Isa si Kevin Quiambao sa mga best na young hoopers sa ating bansa.

Nasa Gilas Seniors na nga rin siya ngayon, at kabilang sa future nito with Coach Tim Cone.

23 years old lang din …

Malaki pa ang room for improvement sa kanyang game.

Asahan mas gaganda yan sa patuloy na pag ani ng experience at pag sharpen ng kanyang skills sa hinaharap.

Lalo ngayon, bukod sa Gilas Pilipinas, ay tatalon na siya ng PROS… at may NBA Dream din?

Subscribe NOW: https://www.youtube.com/wgameplayph?sub_confirmation=1

WGPH on Social Media:
▸Follow on Facebook: https://www.facebook.com/wgameplayph
▸Follow on Instagram: https://www.instagram.com/wgameplayph
▸Follow on TikTok: https://tiktok.com/@wgameplayph
▸Parekoy Basketball Group: https://www.facebook.com/groups/wgameplayph

Inquiries: wgameplayphilippines@gmail.com

45 Comments

  1. Walang imposible sa taong pursigado at talagang nag tatrabaho, bilib ako sa work ethic ni KQ, kung magiging consistent pa yan sa pag daan ng mga panahon di na nakakagulat na makapag NBA siya.

  2. Wala nmn masama mangarap malay natin yung pang hindi ntin inaasahan na makakatungtong sa nba eh yun pa ang makapaglaro balang araw sa pinakamalaking liga america support nlng sa kabayan natin at may ibubuga nmn tlga.

  3. ano balita kay abando? huhuhu gawa kayo ng video para sakanya para naman sa nag aantay sakanya 😊

  4. Parekoy parang sya na nga best prospect to dream an NBA dream since Kai Sotto. In my opinion, he just needs to transition his game from being a SF-PF type of player into somewhat a combo guard kung mangangarap sya mag NBA. Di rin naman bago kay KQ ang playmaking at scoring simultaneously. Sa Gilas sa totoo lang sya pinaka best to fit as next anchor sa triangle once mawala si Scottie sa team eh.

  5. Sabonis, Hertas, and Prigioni were welcomed by NBA in their 30s. Late bloomers as long as NBA quality can still have a shot.

  6. This coming Fiba Asia Cup siya dapat mag pasikat. Or sa April dapat nasa U.S na siya para mag training and para makapag tryout sa summer league

  7. Hindi na makakapag nba yan matanda na eh sa draft class Kasi target nila Yung mas Bata Lalo na mga 19 yrs old Kasi dinedevelop nila bihira lang may kumuha ng matanda na

  8. Yuki kawamura nga ng japan nasa nba pretty sure kq and even kai sotto (based on what his doing this season) have a high chance

  9. Sa talent niya possible naman, lalo na nung stint niya sa SGA ni lead niya sa scoring yung team kahit puro former NBA players kasama niya sa team at grabe 3pt shooting niya noon kaya putok din yung offers sakanya kaso after that tumamlay na performance niya ineexpect ko pa naman na magrereflect yung shooting niya from SGA to Gilas. Malayo sa mata ng nba scouts ang KBL pero for improvement okay din naman

  10. Wala naman masaama mag hangad ng mataas kasi lahat naman ng basketball player gusto yan, maganda lang kay KQ dedicated talaga siya

  11. No offense malabo na yan. 23 na. 18 pa lang hinog na mga player sa nba. Compare mo kay kawamura normal lang laruan ni KQ sa position niya. Pero hopefully makuha niya pangarap niyang NBA

  12. Siguro para saken, kung gusto ng PBA o SBP na magkaroon ng pinoy player sa NBA siguro unang kailangan mag adjust jan PBA. baguhin nila rules sa mga batang players na gusto agad mag pro. Dapat payagan na nila 18y.o palang payagan na magpa draft pag magaling talaga, kailangan lang nila pag isipan pano iisip ng rules para masabe na mahusay ang batang player. Siguro pwede sila gumawa ng mga report tulad sa america, yung may mga high prospect, 5 star prospect, future star player, or kumuha sila ng mga mahuhusay at patas na mga basketball analyst. Sila gagawa ng mga report sa mga players para masabe kng ready na ba mag pba o hindi pa. Isa kase sa pinag babasehan ng NBA yung edad. Prioriy nila yung magaling na pag tungtong ng NBA. Bihira na ngayon yung teams na nagdedevelop ng players. Dahil sa laki ng gastos magdevelop at hindi sigurado kung magiging magaling talaga sa future dahil di masasabe ang future ng player, madame dinivelop pero di naging star player, madame dn star player nasisira career dahil sa injury kaya takot na sila mag develop at gumastos. Kaya dapat sa pinas pababain ang age ng gusto mag pro, sa pinas 25 to 30 y.o saka palang pumapasok sa Pba. Sa NBA prime years na yan ng players, sa pba yung 25 to 30 rookies palang🤣 kaya madame sa pba di nadedevelop dahil matanda na nung nag pro sa pba. Maiksi dn career sa pba. Kaya mas pinipili ng iba maglaro abroad para makaipon agad kesa mag pba.

  13. Small chance of success. What are we waiting for?…Sabi nga ni Gimli ng Lord of the Rings…I guess why not for KQ

  14. Hinde ako Hater ni KQ pero I dont see him na magiging sucessful sa KBL kase ung laruan nia dito sa pinas is hinde naman bago sa international playing style.

  15. KQ is 6'4". He is too slow for a point guard or shooting guard and undersized as a small forward in the NBA. He needs to improve his speed and guard dribbling skills.

  16. si kai lang so far ang malapit sa NBA as of now, pero d ganun kalapit out of 100 na sa 10% ang chansa nya na makapag NBA sya given na may ibubuga tlga si kai at pang NBA din laruan pero yung chance nya para makapag NBA ay mababa pero sa lahat nang pinoy pure blooded si kai lang ang malapit sa NBA na maka pasok.

  17. Pangarap niya to.. ngayon matupad o hindi.. suportahan at wag iBash.. Tigilan nating mga kapwa Pinoy ang panghatak pababa..malay naten.. Try lang ng Try..

  18. Kaya nga idol!
    Madami pa!
    Diba, be realistic?
    Ang dapat sabihin nya o isipin o maging goal ay maging best sa asia OR maging 1 of the best, para ng sa ganon mas malaki ang tyansa, after non pwd nya na sbihin target q ang NBA.
    Parang sa skul, mahirap mag Accelerate if di mo nmn kya ipakita ang proof na kya mo.
    Not a basher.
    Just being realistic 😊…
    Peru support kay KQ!

Write A Comment