Si Kevin Belingon, ay isa nang Blue Belter sa Brazilian Jiu-Jitsu. Ngayon lang Eypril ten, ay sorpresang iginawad ni Prof Gibran Langbayan ang promotion kay Belingon ,pagkatapos ng kanilang regular na pagsasanay sa Maharlika Martial Arts Center sa Baguio City. Matagal nang white belter si Kevin Belingon sa BJJ jiu-jitsu, kung susumahin natin, labing anim na taon. Tila yata nagbunga ang decision ni Kevin, na lumisan sa Team Lakay sa kanyang kadahilanan at kagustuhang hasain ang kanyang ground game, at ang pagkamit nya ng blue belt, sa jiu-jitsu, ay isang napakalaking hakbang sa katuparang ito. Alam naman natin na si Kevin Belingon, ay nakilala bilang isang Wushu artist, at Striker sa team la-kay.
Bilang isangblue belter, makakagawa ka pa rin ng mga pangunahing pagkakamali, ngunit mayroon kang sapat na impormasyon para malaman kung ano ang gagawin at kung paano ito ayusin. Bilang isang blue belter, maaari mong matanto na may mga diskarteng maaaring kulang sa iyong laro o mga kritikal na detalye sa iyong diskarte, na maaaring kailangang linisin.
Samantala, ang kanyang mga kaibigang sina Eduard Folayang at Joshua pacio ay kasalukuyan nasa Amerika ngayon, para mag training sa Jackson Winks jim, at sa facebook page nina Eduard at Joshua, ay nagpadala ang mga iito ng congtratulatory message kay Kevin sa promotion sa blue belt ng bjj. Matatandaan na ang pagnanais ni Belingon na pagtuunan ng pansin, ang pagpapabuti ng kanyang ground game ang isa sa mga dahilan, kung bakit siya nagpasya na humiwalay sa Team Lakay.
Si Kevin Belingon ay lubos na nagagalak sa paniniwala ni Propesor Langbayan na sya ay angkop na umabante sa blue belt. Aniya, “Sa paniniwala ni Propesor Langbayan sa aking mga kakayahan, dapat kong sabihin na ito ay nakapagpapasigla. alam kong malayo pa ang aking lalakbayin, ngunit tiyak na makakarating tayo doon habang patuloy nating pinagbubuti ang trabaho.” Ang pagsali sa isang pormal na kumpetisyon ng jiu-jitsu, ay isang bagay na bukas si Belingon na gawin sa hinaharap.
Sa ngayon, sa edad na tirti payb years old, masigasig si Belingon na pasiglahin muli ang kanyang karera sa Mix martial arts. Natalo siya ng limang sunod na laban mula nang bitiwan ang kanyang pagmamay-ari ng ONE bantamweight title sa Brazilian arch-nemesis na si Bibiano Fernandes noong Marso, twenty nayntin.
Go to this page for Full Playlist of all ONE FC/MMA News – https://www.youtube.com/playlist?list=PL8CYCKLmId8vt95bppZUX5yN1jD_QjHtj
Follow my Facebook Page for all Videos –https://www.facebook.com/richardvideos.2023
4 Comments
WATCH all videos/episodes of ALL MMA NEWS here for all updates–https://www.youtube.com/playlist?list=PL8CYCKLmId8vt95bppZUX5yN1jD_QjHtj
Salamat sa update..
Go Kevin all prayers ket adda kenka gayyem!!!! Good luck!!!!
Big yes